Selecciona una palabra y presiona la tecla d para obtener su definición.
Indice
Abajo

Carta de José Rizal a las compatricias jóvenes de Malolos. Europa, febrero de 1889

José Rizal






SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS1

Europa [Febrero] 1889.

Nang aking sulatin ang Noli me tángere, tinanong kong laon, kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring ala-ala; matay ko mang pinag-isa-isa ang lahat nang dalagang nakilala sapul pagkabata, ay mañgisa-ñgisa lamang ang sumaging larawang aking ninanasa. Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugali, ang binibining anyo, ang mahinhing asal; ñguni't ang lahat na ito'y laging nahahaluan nang lubos na pagsuyo at pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang-kalulua (tila baga ang kalulua'y may iba pang amá sa Dios), dalá ñg malabis na kabaitan, kababaan nang loob ó kamangmañgan kaya: anaki'y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim: mamulaklak ma'y walang bañgo, magbuñga ma'y walang katas.

Nguni at ñgayong dumating ang balitang nangyari sa myong bayang Malulos, napagkilala kong ako'y namali, at ang tua ko'y labis. Di sukat ako sisihin, di ko kilala ang Malulos, ni ang mga dalaga, liban na sa isang Emilia, at ito pa'y sa ngalan lamang.

Ngayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan; ñgayong nagpakita kayo ng mabuting halimbawa sa kapua dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugami, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahi ang sakuna, sapagka't kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sa pagtatagumpay. Ang babaing tagalog ay di na payuko at luhod; buhay na ang pag-asa sa panahong sasapit; wala na ang inang katulong sa pagbulag sa anak, na palalakhin sa alipusta at pagayop. Di na unang karunuñgan ang pagtuñgo ñg ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura, masayang pang-aliw ang mababang luha. Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ng pari, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuintas, libaging kalmen, kundi ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na di. kabaitan ang pagkamasunurin sa anomang pita at hiling ñg nagdidios-diosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumul'an ng likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala. Di masasabi ng puno o pari na sila lamang nng mananagot ñg maling utos; binig'yan ng Dios ang bawa't isa ñg sariling isip at sariling loob, upanding mapagkilala ang liko at tapat; para-parang inianak ñg walang tanikala, Kundi malaya, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil ¿bakit kaya ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip?. Duag at mali ang akala na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang magisip-isip at magnilay-nilay. Ang kamangmañga'y kamangmañgan, at di kabaita't puri. Di hiling ñg Dios, puno ñg karunungan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas ñg isip, na ipinalamuti sa atin, paingniñgin at gamitin. Halimbawa baga ang isang amang nagbigay sa bawa't isang anak ñg kanikaniyang tanglaw sa paglalakad sa dilim. Pani- ñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusa, at huwag patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundi magtulong-tulong, magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulul na di hamak at masisisi ang madapa sa pagsunod sa ilaw ñg iba at masasabi ñg ama: «¿bakit kita binigyan ñg sarili mong ilaw?». Nguni't di lubhang masisisi ang madapa sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim ó kayâ totoong masama ang daan.

Ugaling panagot ñg mga may ibig mang-ulol, ay: palalo ang katiwala sa sariling bait; sa akala ko ay lalong palalo ang ibig sumupil ñg bait ñg iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palalo ang nagdidios-diosan, ang ibig tumarok ñg balang kilos ñg isip ñg Dios; at sakdal kapalaluan ó kataksilan ang walang gawa kundi pagbintañgan ang Dios ng balang bukang-bibig, at ilapat sa kanya ang bala niyang nasa, at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ñg Dios. Di dapat naman tayong umasa sa sarili lamang kundi magtanong, makinig sa iba, at saka gawin ang inaakalang lalong matuid; ang hábito ó sutana'y walang naidaragdag sa dunong ñg tao: magsapin-sapin man ang hábito ñg huli sa bundok, ay bulubundukin din, at walang nadadaya kundi ang mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ñg isang hábito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabaw. Kapalaran na kung pagka-paghábito ay hindi magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salita sa iba.

Sa kadalagahang punlaan ñg bulaklak na mamumuñga'y dapat ang babai magtipon ñg yamang maipamamana sa lálakíng anak. ¿Ano kaya ang magiging supling ñg babaing walang kabanalan kundi ang magbubulong ñg dasal, walang karunungan kundi awit, novena at milagrong pang-ulol sa tao, walang libañgang ibá sa paghiñgi ó magkumpisal kaya ñg malimit ñg muli't muling kasalanan? ¿Ano ang magiging anak kundi sacristán, bataan ñg Cura, o magsasabong? Gawa ñg mga ina ang kalugamian ñgayon ñg ating mga kababayan, sa lubos na paniniwala ñg kanilang masintahin pusu, at sa malaking pagkaibig na ang kanilang anak ay mapakagaling. Ang kagulañga'y buñga ñg pagkabata, at ang pagkabata'y nasa kanduñgan ñg ina. Ang inang walang maituru kundi ang lumuhod at humalik ñg kamay, huag mag-antay ñg anak na iba sa duñgo ó alipustang alipin. Kahoy na laki sa burak, daluro ó pagatpat ó pangatong lamang; at kung sakali't may batang may pusong pangahas, ang kapañgahasa'y tago at gagamitin sa sama, paris ñg silaw na kabág na di makapakita kundi pagtatakip-silim. Karaniwang panagot, ang una'y kabanalan at pagsinta sa Dios. Nguni at ¿ano ang kabanalang itinuro sa atin? Magdasal at lumuhod ñg matagal, humalik ñg kamay sa pari, ubusin ang salapi sa simbahan at paniwalaan ang balang masumpuñgan sabihin sa atin. Tabil ñg bibig, lipak ñg tuhod, kiskis ñg ilong.... Bagay sa limos sa simbahang, sangkalan ang Dios, ¿may bagay baga sa mundong di ari at likha ñg Maykapal? ¿Ano ang inyong sasabihin sa isang alilang maglimos sa kaniang panginoon ñg isang basahang hiram sa nasabing mayaman? Sino ang taong di palalo at ulol, na maglilimos sa Dios at magaakálang ang salanta niyang kaya ay makabibihis sa lumikha ñg lahat ñg bagay? Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa may hirap, magpakain sa gutum; nguni at mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ñg mahirap, at walang binubusog kundi ang sandat, at inubos ang salapi sa mga frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa fraileng lumalañgoy sa yaman, sa «misa de graciang» may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito'y pinipiga sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg tanikalang pangapus, maibayad ñg verdu-gong panghampas. ¡O kabulagan at kaiklian ñg isip!

Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. «Gawa at hindi salita ang hiling ko sa inyo,» ani Cristo; «hindi anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundi ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama.» Ang kabanala'y wala sa pulpul na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay. Si Cristo'y di humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kaylan pa man; hindi niya pinataba ang mayayaman at palalong escribas; wala siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiniñgan ñg pamisa, at di nagpabayad sa kanyang pananalañgin. Di napaupa si S. Juan sa ilog ñg Jordán, gayon din si Cristo sa kaniyáng pañgañgaral. ¿Bakit ñgayo'y ang mga pari'y walang bigong kilos na di may hiñging upa? At gutum pa halos; nagbibili ñg mga kalmen, cuintas, correa at iba't iba pa, pandaya ñg salapi, pampasama sa kalulua; sapagka't kalminin mo man ang lahat ñg basahan sa lupa, cuintasan mo man ang lahat ñg kahoy sa bundok, ibilibid mo man sa iyong baiawang ang lahat ñg balat ng hayop, at ang lahat na ito'y pagkapaguran mang pagkurus-kurusan at pagbulongbuluñgan ñg lahat ñg pari sa sandaigdigan, at iwisik man ang lahat ñg tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi'y maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ñga sa huag pagkain ñg karne, pag-aasawa sa pinsan, kumpare at iba pa, na ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol. ¿Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sa salaping paris ñg mga pari? Ang magnanakaw na tumubos ñg «bula de composición» ay makaaasa ñg tahimik, na siya'y piatawad: ¿sa makatuid ay ibig ñg Dios na makikain ng nakaw? ¿Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya na sa mga «guardia», «carabineros», ó guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba ñg frayle, ay tumatalikod ako sa ganiyang Dios.

Maghunos-dili ñga tayo, at imulat natin ang mata, lalong-lalo na kayong mga babai, sapagka't kayo ang nagbubukas ñg loob ñg tao. Ysipin, na ang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ñg fraile; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ñg tunay na Dios, Dios na di nasusuhulan, Dios na di masakim sa salapi, Dios na ama ñg lahat, na walang kinikiliñgap, Dios na di tumataba sa dugo ng mahirap, na di nagsasayá sa daíng ñg naruruhagui, at nan-bubulag ñg matalinong isip. Gisiñgin at ihanda ang loob ñg anak sa balang mabuti at mahusay na akala; pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag na pag-iisip, malinis na asal, maginoong kilos, pag-ibig sa kapua, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituro sa anak. At dahil ang buhay ay puno ñg pighati't sakuna, patibayin ang loob sa ano mang hirap, patapañgin ang puso sa ano mang pañganib. Huag mag-antay ang bayan ñg puri at ginhawa, samantalang liko ang pagpapalaki sa bata, samantalang lugami at mangmang ang babaying magpapalaki ñg anak. Walang maiinom sa labo at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa punlang maasim.

Malaki ñgang di bahagya ang katungkulang gaganapin ñg babayi, sa pagkabihis ñg hirap ñg bayan, ñguni at ang lahat na ito'y di hihigit sa lakas at loob ñg babaying tagalog. Talastas ñg lahat ang kapanyarihan at galing ñg babayi sa Filipinas, kaya ñga kanilang binulag, iginapus at iniyuko ang loob, panatag sila't habang ang ina'y alipin ay maaalipin din naman ang lahat ñg mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugami ñg Asia; ang babayi sa Asia'y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at América, dahil sa doo'y ang babayi maaya't marunong, dilat ang isip at mala-kas ang loob.

Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw-araw sa inyong pag-iisip kundi ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na liuanag; tantô ang lahat na ito, kaya pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapua ninyo babayi dito sa Europa kung hindi kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakukubkub sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ñg «masanting» na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag lamang. Di kami manlulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Dios sa pagpaui ñg ulap, palibhasa'y siya ang Dio's nang katotohanan; at isasauli sa dati ang dilag ñg babaying tagalog, na ualang kakulañgan kundi isang maayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis. Ito ang nasang lagi sa panimdim, na napapanaginip, ang karañgalan ñg babaying kabiyak ñg puso, at karamay sa tua ó hirap ñg buhay: kung dalaga, ay sintahin ñg binata, di lamang dahilan sa ganda ó tamis ñg asal, kundi naman sa tibay ñg puso, taas ñg loob, na makabuhay baga at maka-panghinapang sa mahina ó naruruagang lalaki, ó makapukaw kaya ñg madidilag na pag-iisip; pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ñg bayan, pagpitaganan ñg iba, sapagkat karaniuang sabi sabi ñg mga kastila at pari na nangagaling dian ang karupukan at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila baga ang mali ñg ilan ay mali na ñg lahat, at anaki'y sa ibang lupa ay uala ñg babaying marupok ang loob, at kung sa bagay maraming maisusurot sa mata ñg ibang babayi, ang babaying tagalog. Gayón ma'y dala marahil ñg kagaanan ñg labi ó galaw ñg dila, ang mga kastila at pari pagbalik sa España'y ualang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag, at ipinagsisigauang halos, sabay ang halakhak, alipusta at taua, kundi ang babaying si gayon ay gayon, gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, at iba't iba pang nakapagñgañgalit; sa tuing maiisip, na ang karamihan ñg mali ay gaua ñg kamusmusan, labis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kabulagan kayang kalalañgan din nila. May isang kastilang ñgayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y lumiguyliguy sa Filipinas. Pagdating sa España, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan sa Kapampañgan, kumai't natulog, at ang maginoong babaying nagpatuloy ay gumayo't gumayon sa kaniya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ñg babayi. Gayon din ang unang pahili ñg pari sa nadalaw na castila ay ang kaniyang masunuring dalagang tagahalik ñg kamay, at iba pang kahalo ang ngiti at makahulugang kindat. Sa librong ipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa iba pang sinulat ñg mga pari, ay nalalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ñg babayi na di ilinilihim ñg mga pari sa mga dumadalaw sa castila, at kung magkaminsan pay dinadagdagan ñg mañga kayabañgan at karumihang hindi mapaniualaan. Di ko maulit dito ang mañga di ikinahiang sinabi ñg isang fraile kay Mas, na di nito mapaniualaan. Sa tuing maririñgig ó mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria kaya bagang lahat ang babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ñg babaying tagalog; nguni kung sakali't magsusumbatan at maglalatlatan ñg puri'y marahil... Datapua't lisanin ko ang bagay na ito, sapagka't di ako paring «confesor», ó manunuluyang castila, na makapaninira ñg puri ñg iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan ñg babayi.

Sa mga bayang gumagalang sa babaying para ñg Filipinas, dapat nilang kilanlin ang tunay na lagay upanding maganpan ang sa kanila'y iniaasa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nag-aaral na binata ay ipinañgañganyayang Jahat, dunong, puri't salapi, na tila baga ang dalaga'y ualang naisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapañga'y kapag napakasal, ay nagiging duag, ang duag na datihan ay nagua-ualang hiya, na tila ualang inaantay kundi ang mag-asaua, para maipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak ay ualang pantakip sa hina nang loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok nang apdo, nagtitiis ñg tampal, na nasunod sa lalong hunghang na utos, at tumutulong sa kataksilan ng iba sapagka't kung walang isdang munti'y walang isdang malaki. Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibigin, ñg isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusung lalaking makapag-ampon sa kahinaan ñg babai, isang marañgal na loob na di papayag magkaanak ñg alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso. Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ñg hirap, palakasin ang loob ñg lalaki, humati sa pañganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ng bayaning puso, at walang papait pang pamana sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan. Mulatin ang mata ng anak sa pagiiñgat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapua, sa tinubuang-bayan, at sa pagtupad ñg ukul. Ulit-uliting matamisin ang mapuring kamatayan sa alipustang buhay. Ang mga babai sa Esparta'y sukat kunang uliranin at dito'y ilalagda ko ang ilang halimbawa:

Nang iniaabot ñg isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: «ibalik mo ó ibalik ka», ito ñga umuwi kang manalo ó mamatay ka, sapagka't ugaling iwaksi ang kalasag nang talong natakbo ó inusi kaya ang bangkay sa ibabao ñg kalasag. Nabalitaan ñg isang ina na namatay sa laban ng kaniyang anak, at ang hukbo ay natalo. Hindi umimik kundi nagpasalamat dahil ang kaniyang anak ay naligtas sa púla, ñguni at ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina ñg siya'y makita. Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban, ay ibinalita ñg isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatló niyang anak. -«Hindi yan ang tanong ko, ang sagot ñg ina, kundi ¿nanalo o natalo tayo?-Nanalo, ang sagot ng bayani. -¡Kung ganoo'y magpasalamat tayo sa Dios!»- ang wika at napasa simbahan.

Minsa'y nagtago sa Simbahan ang isang napatalong hari nila, sa takut sa galit ñg bayan; pinagkaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. Ng papaderan na ang pinto'y ang ina ang unang naghakot ñg bato. Ang mga ugaling ito'y karaniwan sa kanilá, kaya nga't iginalang ñg boong Grecia ang babaing Esparta.-Sa lahat ñg babai, ang púla ñg isa, ay kayo lamang na taga-Esparta ang nakapangyayari sa lalaki.-Mangyari pa, ang sagot nang taga-Esparta, sa lahat ñg babai ay kami lamang ang nag-aanak ñg lalaki.- Ang tao, ang wika ñg mga taga-Esparta, ay hindi inianak para mabuhay sa sarili, kundi para sa kaniyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babai, ay walang kaaway na nakatungtung ñg lupang Esparta, at walang babaing taga-Esparta na nakatanaw ñg hukbo ñg kaaway.

Di ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong di matiñgin sa katuiran at tunay, kundi sa «hábito,» sa puti ñg buhok, ó kakulañgan kaya ng ñgipin. Nguni at kung ang tanda'y magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaanan kong buhay na hain sa ikagagaling ñg bayan, ay makapagbibigay ñg tanda sa akin, kahit maikli man. Malayo ako sa pagpapa-sampalataya, pagdidios-diusan, paghalili kaya sa Dios, paghahañgad na paniwalaa't pakingang pikit-mata, yuku ang ulu at halukipkip ang kamay; nguni't ang hiling ko'y mag-isip, magmulay mulay ang lahat, usigin at salai n kung sakali sa ñgalan ñg katuiran itong pinaninindigang niga sabi:

Ang una-una. Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasakaduagan at kapabayaan ñg iba.

Ang ikalawa. Ang iniaalipusta ñg isa ay nasa kulang ñg pag mamahal sa sarili at nasa labis nang pagkasilaw sa umaalipusta.

Ang ikatlo. Ang kamangmañga'y kaalipinan, sapagka't kung ano ang isip, ay ganoon din ang tao: taong ualang sariling isip, ay taong ualang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip ñg iba, ay parang hayop na susuntid-sunod sa tali.

Ang ikaapat. Ang ibig magtago ñg sarili, ay tumulong sa ibang magtago ñg kanila, sapagka't kung pabayaan mo ang iyong kapua ay pababayan ka rin naman: ang isa-isang tinting ay madaling baliin, nguni at mahirap ang isang bigkis na walis.

Ang ikalima. Kung ang babaing tagalog ay di magbago, ay hindi dapat magpalaki ñg anak, kundi gauing pasibulan lamang; dapat al'sin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipagkakanulong ualang malay, ang asawa, anak, bayan at lahat.

Ang ikaanim. Ang tao'y inianak na paris-paris, hubad at walang tali. Di linalang ñg Dios upang maalipin, di binigyan ñg isip para pabulag, at di hiniyasan ng katuiran upang maulol ñg iba. Hindi kapalaloan ang di pagsamba sa kapua tao, ang pagpapaliwanag ñg isip at ang paggamit ñg matuid sa ano mang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at ang ibig papaniigin ay ang kaniyang ibig sa matuid at katampatan.

Ang ikapito, Liniñgin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturo sa atin. Ting'nan ninyong mabuti kung iyan ang utos ñg Dios ó ang pañgaral ni Cristong panglunas sa hirap ñg mahirap, pangaliw sa dusa ñg nagdudusa. Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo'y itinuturo, ang pinapatuñguhan ñg lahat ñg sermón, ang nasa ilalim ñg lahat ñg misa, novena, cuintas, kalmen, larawan, milagro, candila, correa at iba't iba pang iginigiit, inihihiaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo, at saka iparis ninyo ang religiong iyan sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan ninyo kung hindi ang inyong pagka kristiano ay paris ñg inaalagaang gatasang hayop, ó paris ñg pinatatabang babuy kaya, na di pinatataba alang-alang sa pagmamahal sa kanya, kundi maipagbili ñg lalong mahal at ñg lalong masalapian.

Magbulay-bulay tayo, malasin ang ating kalagayan, at tayo'y mag-isip-isip. Nawa'y itong ilang buhaghag na sabi'y makatutulong sa ibinigay sa inyong bait, upanding maituloy ang nasimul'an niniyong paglakad.

«Tubo ko'y dakila sa puhynang pagod» at mamatamisin ang ano mang anangyari, ugaling upa sa sinomang mañgahas sa ating bayang magsabi ñg tunay. Matupad naua ang inyong nasang matuto at harinañgang sa halamanan ñg karunuñga'y huag makapitas ng buñgang bubut, kundi and kikitli'y piliin, pag isipin muna, lasapin bago lunukin, sapagka't sa balat ñg lupa, lahat ay haluan; at di bihirang magtanim ang kaaway ñg damong pansira, kasama sa binhi sa guitna ñg linang.

Yto ang matinding nasa ñg iniyong kababayang si

José Rizal2



La petición de las jóvenes malolesas es como sigue:

«Excmo. Sr. Gobernador General de Filipinas. -Excmo. Sr.

«Nosotras las jóvenes que suscriben y algunas más ante V. E. con el debido respeto nos presentamos y exponemos que deseosas de saber el rico idioma español, estimuladas y agradecidas por vuestro generoso espíritu de generalizar en el país la lengua de Castilla; y no pudiendo aprenderla en los colegios de Manila, unas por su escasa fortuna, otras por las apremiantes circunstancias en que se encuentran en sus casas, ni hacerlo de día por estar ocupadas en quehaceres domésticos más perentorios: con tal propósito-

«A V. E. humildemente suplicamos se nos conceda una Escuela nocturna en casa de una vieja pariente nuestra, donde acudiremos en compañía de nuestras madres a recibir lecciones de gramática castellana, bajo la enseñanza del profesor de latinidad retribuido por cuenta nuestra, quien en poco tiempo ha dado pruebas de aptitud para la enseñanza del castellano por el adelanto que manifiestan sus discípulos, al paso que los maestros del pueblo, sin tratar por esto de ofenderles en su profesión no han conseguido hasta el presente positivos resultados.

«Es gracia que no dudamos merecer de la reconocida bondad de V. E. cuya importante vida, guarde Dios muchos años.

Malolos, 12 de diciembre 1888.

  • Alberta Ui-tang-coy
  • Teresa Tantoco
  • Maria Tantoco
  • Merced Tiongson
  • Agapita Tiongson
  • Basilia Tiongson
  • Basilia Tantoco
  • Paz Tiongson
  • Feliciana Tiongson
  • (Siguen más firmas)

La Solidaridad, 15 de febrero 1889.




A las compatricias jóvenes de Malolos3

Europa [Febrero] 1889.

Cuando escribí el Noli me Tángere me preguntaba a mí mismo si el valor era cosa común en las doncellas de nuestro pueblo. Aunque hacía memoria y pasaba revista a las que conocí desde mi infancia, rara era la que se me aparecía conforme a la imagen que yo me había formado. En verdad, sobraban las de dulce trato, de costumbres hermosas y de modesto porte, pero con todo ello iban mezcladas plena aquiescencia y servidumbre a las palabras o caprichos de los llamados «padres de almas» (como si el alma tuviese otro padre que no fuera Dios), por exceso de bondad, de modestia o de ignorancia acaso, cual plantas marchitas, sembradas y criadas en las tinieblas, cuyas flores carecen de perfume, cuyos frutos no destilan savia.

Más ahora que vino aquí la noticia de lo ocurrido ahí, en vuestro pueblo de Malolos, comprendí mi error, y harta fue mi alegría. No se me debía, con todo, inculpar; no conocía Malolos, ni a sus jóvenes, excepto a una llamada Emilia, y aún a esta, sólo de nombre.

Hoy que habéis respondido a nuestros primeros clamores por el bienestar del pueblo; hoy que habéis dado el ejemplo a vuestras semejantes, que, como vosotras, ansían tener los ojos abiertos y librarse de la servidumbre, levántase nuestra esperanza y hasta nos atrevemos a afrontar el infortunio, por tener a vosotras por aliadas, y confiamos en el triunfo. No tienen ya las filipinas baja la cabeza, ni están de hinojos; se les aviva ya la esperanza en el futuro; no existe ya la madre que contribuye a la ceguera de la hija y que la cría en el menosprecio y moral aniquilamiento. Ya no es la ciencia de las ciencias la sumisión ciega a toda orden injusta, ni la suma condescendencia, ni la cortés sonrisa única arma contra el insulto, ni las humildes lágrimas inefable panacea para toda tribulación. Conocéis ya que la voluntad de Dios es distinta de la del cura; que la religiosidad no consiste en ponerse largo tiempo de rodillas, ni en las kilométricas oraciones, grandes rosarios, mugrientos escapularios, sino en la conducta sin mácula, en la intención sin pliegues y en la rectitud de criterio. Conocéis asimismo que la prudencia no consiste en obedecer a ciegas cualesquiera caprichos de los diocesillos sino lo razonable y justo; porque de esta ciega obediencia traen origen esos caprichos, y, por esto mismo, las que los ocasionen serán las verdaderas pecadoras. El jefe o el fraile no podrá ya alegrar que a ellos sólo incumbe la responsabilidad de sus injustas órdenes; porque Dios concedió a cada uno razón y voluntad propias, para distinguir lo justo de lo injusto; todos nacieron sin grillos, libres, y a nadie fuele dado subyugar la voluntad y espíritu de nadie. ¿Y por qué se ha de someter a otro el pensamiento noble y libre?

Cobardía es y error creer que la santidad está en la ciega obediencia y soberbia la cordura y el don de pensar. La ignorancia fue siempre ignorancia, nunca prudencia y honor. No pide Dios, fuente de la sabiduría, que el hombre, hecho a su imagen y semejanza, se deje embaucar y cegar, sino que la dádiva de la razón de que nos hizo merced, brille y la utilicemos. Comparable es con aquel padre que fue dando a cada uno de sus hijos su correspondiente antorcha para que se alumbrasen en las tinieblas, para que avivasen su llama, la cuidasen y no la apagasen, confiados en la luz de los otros, sino para que se ayudasen unos a otros y se aconsejasen para dar con la senda. Locos de atar serían si cayeran de bruces por seguir la luz de otro, y el padre podría reconvenirles y decirles: ¿no os había dado yo vuestra propia antorcha? Pero no podría decir otro tanto cuando el tropiezo se debiese a la luz dada por él, porque podría haber sido esta luz escasa y el camino malísimo.

Es comodín ya del falsario este decir: soberbio el que confía en su prudencia; pero, en mi opinión, es mayormente soberbio el que quiere imponerse a la prudencia de otros y pugna por salirse con la suya. Es más soberbio el que se quiere convertir en ídolo y pretende pulsar los latidos del pensamiento de Dios; y soberbio en demasía y hasta blasfemo aquel que cada movimiento de sus labios atribuya a Dios y como voluntad de Dios cada uno de sus caprichos, y vuelva enemigo de Dios a su propio y mismísimo enemigo. No debemos, ciertamente, confiar en nosotros mismos, sino consultar y oír antes a otros, y, luego, ejecutar lo que creamos más razonable; el hábito o la sotana, por sí solos no crean sabiduría: aunque se sobrepongan las ropas al atrapado montaraz, será siempre montaraz, y solo engañará al ignorante y flaco de voluntad. Y para que esto sea más concluyente, compren Vdes. un hábito talar de San Francisco, y vistan con él a una caraballa, suerte fuera que no se volviese indolente por el hábito mismo. Dejaré esto para hablar de otra cosa.

La juventud, semillero de flores fructíferas, debe acumular riqueza para su descendencia. ¿Qué vástagos tendría la mujer cuya bondad de carácter cifrara en farfullar preces, y supiera de coro únicamente awits, novenas y falsos milagros, cuyo esparcimiento fuera el panguingue, o la confesión menuda de unos mismos pecados? ¿Qué hijos tendría sino acólitos, sirvientes del Cura o galleros? Obra fue de las madres la servidumbre actual de nuestros compatriotas, por causa de la ilimitada confianza de sus amantes corazones, del vivo deseo de encumbrar a sus hijos. La madurez es fruto de la infancia, y los niños se aúpan en el regazo de la madre. La madre que sólo sabe enseñar cómo se hincan las rodillas y cómo se ha de besar la mano, que no espere hijos que no sean de sangre de esclavo. Árbol crecido en el fango, o es ligero, o tan sólo leña; y, si por casualidad sale de corazón osado, tal osadía será trapacera, la utilizaría para el mal, como el murciélago que no puede dejarse ver sino al toque de ánimas. ¡Dícese que la prudencia es la santidad y el amor de Dios! Pero, ¿qué santidad es la que nos enseñaron? Rezar y arrodillarnos mucho, besar las manos del Cura, dilapidar el dinero en iglesias, y creer cuanto venga en talante al fraile decirnos: chismografía, callos en las rodillas, refrotamientos de nariz...

Respecto de los óbolos y dádivas por causa de Dios, ¿habrá acaso en el mundo algo de que no fuera dueño el Criador? ¿Qué diréis de un criado que obsequia a su amo con trapo pedido prestado del propio amo? ¿Quién es el vano y enajenado que ha de dar limosna a Dios, y luego ha de creer que la miserable cosa donada por él habrá de arropar al Creador de todas las cosas? Bienaventurados sean los que auxilien al prójimo, ayuden al pobre y den de comer al hambriento, pero que sean malditos los sordos a las súplicas del pobre, los que sólo harten al harto, y prodiguen dineros en frontales de plata donados a la iglesia, o al fraile que nada en la abundancia, en aprovechamientos por misas de gracia, en serenatas y salvas de verso, ¡con tales dineros extraídos de los huesos del pobre, se hacen mandas al amo para que éste pueda hacerse de cadenas para subyugar mejor y asalariar verdugos sayones! ¡Oh, ceguera y cortedad de entendimiento!

La primera santidad es la obediencia a la razón, suceda lo que suceda. «Obras y no palabras, es lo que deseo de vosotros,» dijo Cristo. «No es hijo de mi padre el que. viene repitiendo padre mío, padre mío, sino el que vive según la voluntad de mi padre.» La santidad no está en la chatura ni al sucesor de Cristo se le conoce por dar a besar las manos. Cristo no dio ósculo de paz a los fariseos, ni dio nunca la mano a besar. No cebó a los ricos y vanos Escribas; no mentó escapularios, ni fabricó rosarios, ni solicitó limosnas por sacrificios de misa, ni se hizo pagar cuando oró. Si no se hizo pagar San Juan en el río Jordán, ni Cristo por sus enseñanzas, ¿por qué ahora los frailes no dan un solo trote sin la pecunia por delante? Y, como unos hambrientos, venden escapularios, rosarios, correas y otras cosas, que son puro señuelo del dinero, con daño de almas, porque aunque se conviertan en escapularios todos los trapos de la tierra, en rosarios todos los árboles del monte, y se ciñan a la cintura todas las pieles de las bestias, y, sobre todo ello, se hagan signos de cruz y musiten oraciones todos los sacerdotes del orbe, y lo hisopeen con toda el agua del océano, no se conseguirá purificar a un pícaro, ni remitirle culpas, si no se arrepiente. Así, también, por codicia de dinero, las múltiples prohibiciones se cancelan mediante precio, v. gr., la de no comer carne, casarse con parientes, compadres, etc., todo se torna hacedero. ¿Por qué? ¿Está sujeto a la oferta y demanda de Dios, y se ofusca con el dinero, ni más ni menos que un fraile? El forajido que se ha hecho de una bula de composición ¿podrá vivir tranquilo con el producto de su robo, porque será conmilitón en mesa donde los platos eran botín de rapiña? ¿Ha llegado ya el Todopoderoso a ser un pobre de solemnidad para hacer el papel de carabinero o guardia civil? Si ese es el Dios a quien rinde culto el fraile, yo vuelvo mis espaldas a ese Dios.

Seamos razonables y abramos nuestros ojos, sobre todo, vosotras las mujeres, porque sois las primeras en influir en la conciencia del hombre. Téngase presente que la buena madre no se asemeja a la madre creada por el fraile; ha de criar al hijo de manera que sea una imagen del verdadero Dios, un Dios no concusionario, ni codicioso de dinero, un Dios padre de todos, justiciero; Dios no vampiro del pobre, ni burlador de las agonías del atribulado, ni torcedor de la senda de la justicia. Despierten y preparen la voluntad del hijo para cuanto es bueno y ordenado aprecio del honor, sincero y firme propósito, claro juicio, proceder puro, honrados actos, amor al prójimo y respeto a Dios: esto han de enseñar a los hijos. Y, como la vida viene acribillada de púas de cardos, debe fortalecerse el ánimo para todo golpe del infortunio, y acostumbrar el corazón al peligro. No espere el pueblo honor, ni prosperidad mientras no eduque fuertemente al niño, mientras sea esclava e ignorante la mujer que ha de vigilar los pasos del hijo. Nada se puede beber de turbio y amargo manantial; no se sacará sabroso fruto de semilla agria.

No son de poca monta los deberes que ha de cumplir la mujer para desvestir de padecimientos al pueblo, deberes que, fueren lo que fueren, no sobrepujarían a las fuerzas y al carácter de la mujer filipina. Son bien conocidos el poder y la prudencia de la mujer en Filipinas; por eso ellos la cegaron, la ataron y la tornaron pusilánime; y viven sobre seguro, porque, mientras la madre filipina (fuera esclava, esclavizarían a todos sus hijos. Esta es la causa de la postración del Asia: la mujer del Asia es ignorante y esclava; poderosa en Europa y en América, porque allí la mujer es libre e instruida, lúcida de inteligencia y fuerte de voluntad.

Se sabe que andáis escasas de libros que instruyan: se sabe que nada se introduce, día por día, en vuestra inteligencia sino lo que de propósito ha de apagar vuestra luz natural; se sabe todo esto, y, por eso, nuestro empeño en hacer llegar a vosotras la luz que se cierne sobre vuestras semejantes aquí en Europa. Si no ha de causar enojo lo que he de decir, y se le ha de prestar alguna atención, por espesa que sea la niebla que envuelva a nuestro pueblo, pondré diligencia suma en disiparla con la hermosa luz del sol, que fulgirá aunque ligeramente. No sentiremos fatiga si vosotras nos ayudáis; ayudará también Dios a descorrer la niebla, ya que Él es el Dios de la verdad; volverá a su prístino estado el nombre de la mujer filipina, de quien ahora solo se echa de menos propio criterio: que buen natural tiénelo de sobra. Tal es nuestro anhelo soñado y que hace nido en nuestro corazón; el honor de la mujer, mitad del corazón, compañera en la felicidad e infortunio de la vida. Si ella es doncella, que la ame el mancebo no sólo por su hermosura y afable carácter, sino también por su fortaleza de ánimo, alteza de miras que presten vida y levanten al débil o cobarde, o aparten vanos pensamientos; que sea una doncella orgullo de la patria, que infunda respeto, por ser común decir aquí, entre peninsulares y frailes venidos de allí, la facilidad e ignorancia de la filipina, como si el error de unas fuere de todas, y como si en otras tierras no existieran mujeres de carácter débil cuando, en puridad, ¡qué de cosas podría la filipina reprocharlas! Con todo, por chismografía y por lenguaraces, a los peninsulares y frailes regresados les falta el tiempo para cacarear, imprimir y desgañitarse, a par que ríen y lanzan injurias y carcajadas; que la Fulana aquella era así; así fue en el convento, así con el peninsular a quien hospedó una vez, y otras cosas que dan dentera cada vez que vienen a las mientes, cosas todas que, en la mayoría de los casos, eran faltas debidas al candor, a sobrada bondad, mansedumbre, o ceguera acaso, obra toda de los mismos difamadores.

Vive un peninsular, que hoy ocupa alto rango, a quien hemos dado de comer y hospitalidad durante el tiempo que estuvo vagando por Filipinas, y que, cuando arribó a España, imprimió a escape: que él pidió hospedaje una vez en Pampanga, comió y durmió; que la señora que le acogió se condujo así y asá con él; de esta manera correspondió a la suma hospitalidad de la señora. Tales especies también insinúa el fraile al primer visitante español acerca de sus muy obedientes confesandas, besadoras de manos, etc., rehogadas en sonrisillas y muy significativos guiños. En un libro impreso por D. Sinibaldo de Más y en otros trazos de frailes, se sacan a relucir pecados de los que en el confesionario se acusaron las mujeres, de que no guardaron ellos secreto para con los peninsulares visitantes, sazonándolos, a lo mejor, con fatuidades y chismes impúdicos indignos de crédito. No puedo repetir aquí las desvergüenzas que contó un fraile a Más, a las que Más no concedió valor alguno. Cada vez que oímos o leemos cosas de este jaez nos preguntamos unos a otros: ¿las españolas son todas de la madera de María Santísima, y las filipinas, precitas todas? Creo que, si se han de ajustar cuentas en materia tan delicada, tal vez... Pero debo abandonar esto, que no soy confesor, ni trashumante peninsular con vara para lastimar la honra de nadie. Arrinconaré esto, y hablaré de los deberes de la mujer.

Los pueblos que respetan a la mujer como el de Filipinas, deben conocer la verdad de la situación, a fin de que puedan cumplir con lo que de ellas se espera. Parece cosa averiguada que cuando un joven estudiante se da al amor, todo habría de echar luego a perder: saber, honor y dinero, como si una joven no pudiera sembrar más que desgracias. El de mayor valor cuando se casa se vuelve cobarde; el de cobardía ingénita, desvergonzado, cual si esperase únicamente casorio para manifestar la propia cobardía. El hijo, para encubrir su pusilanimidad, se encomienda a la memoria de su madre, traga hiel, aguanta bofetadas, cumple con la orden más necia, se hace cómplice de la traición. Ha de saberse que, cuando nadie se da a la fuga, no habrá perseguidor; cuando no hay pez pequeño, no habrá grande. ¿Por qué no requiere la doncella de quien ha de amar noble y honrado nombre, varonil corazón que ampare su debilidad, y un alto espíritu incapaz de contentarse con ser padre de esclavos? Aparten de sí al miedo, condúzcanse noblemente y no rindan su juventud al flojo y de corazón engrumecido. Cuando estén casadas, deben ayudarla sus maridos, comunicarles brío, compartir con ellos la mitad del peligro, no atribularles, y dulcificar sus penas, teniendo siempre presente que no habrá pesar que no sobrelleve un corazón denodado, ni habrá herencia más amarga que la de la infamia y la de la esclavitud. Abrid los ojos de vuestros hijos, para que celen y guarden su honor, amen al prójimo, a la patria y el cumplimiento del deber. Imbuidles siempre que deben preferir morir con honor a vivir con deshonor. Las mujeres de Esparta os deben servir de ejemplo en esto; pondré aquí algunos de sus rasgos.

Cuando entregaba una madre el escudo a su hijo que marchaba para la guerra, no decía más que esto: «devuélvelo, o que te devuelvan,» esto es, «que regreses triunfante, o te traigan cadáver,» porque era costumbre tirar el escudo del derrotado que huye, o traer su cadáver encima del escudo. Tuvo noticias una madre de que fue muerto su hijo en la guerra, y el ejército derrotado. No chistó palabra, dio gracias porque su hijo se libró de la ignominia; pero, cuando el hijo regresó con vida, al verle, se vistió de luto la madre. A una de las madres que fueron a encontrar a los que volvían de la guerra, contó un guerrero que fueron muertos en ella sus tres hijos. «No pregunto eso -dijo la madre- sino si hemos triunfado o no.» «Hemos triunfado -contestó el guerrero. «Si es así, demos gracias a Dios,» y se fue al templo.

Una vez se escondió en el templo un derrotado rey suyo temiendo la venganza popular; convinieron los espartanos en encerrarle allí y matarle de hambre. Cuando «condenaron» la puerta, la madre fue la primera que acarreó piedras. Eran estos hechos allí costumbre, por eso admiro toda la Grecia y a la espartana. «De todas las mujeres -burlábase una- sois solamente las espartanas las que tenéis poder sobre los hombres.» «Natural -contestaron- de todas las mujeres, solamente nosotras parimos hombres.» «El hombre -decían las de Esparta- no ha nacido para vivir sólo, sino para su patria.» Y así, mientras imperaban este modo de pensar y esta clase de mujeres, no hubo enemigo que pudiera poner el pie en el suelo de Esparta, ni mujer de Esparta que pudiera ver a un ejército enemigo.

No espero que se me crea por decirlo yo; muchos son los que no dan crédito a la verdadera razón sino al hábito, a las canas, o a la desdentadura; pero si la vejez es venerable por su trabajosa experiencia, también la vida que llevé, consagrada al bienestar del pueblo, me concede alguna experiencia, bien que no mucha. No pretendo que se me tenga por ídolo, un diosecillo, y a que se me crea, u oiga con los ojos cerrados, baja la cabeza y los brazos cruzados sobre el pecho; lo que pido es que reflexionen todas, y mediten, investiguen y pasen en todo caso, por el cedazo de la razón, cerniendo bien en él, las cosas de que daré testimonio.

Primera, y de todas.- Que sólo es posible la tiranía en unos, por la cobardía y negligencia en otros.

Segunda.- Lo que hace a uno despreciable es su falta de dignidad y miedo cerval al despreciador.

Tercera.- La ignorancia, es servidumbre; porque, a tal pensamiento, tal hombre; sujeto que carezca de pensamiento propio, carecerá de personalidad; ciego, cuyo lazarillo fuera el pensamiento ajeno, se asemejaría a la bestia que anduviese tras la soga.

Cuarta.- El que ame su independencia, debe ayudar primeramente a su prójimo, porque el que desampara, también será desamparado; que la vainilla aislada de burí se quiebra muy fácilmente, más no la atada escoba de vainillas de la palmera.

Quinta.- Si la filipina no ha de cambiar de procedimientos, que no críe hijos: que se limite a darlos. Se la debe despojar de su señorío en el hogar; de otra manera traicionaría inconscientemente al marido, al hijo, a la patria, y a todos.

Sexta.- Los hombres nacieron iguales, desnudos, sin ligadura. No creó Dios al hombre para ser esclavo; ni le dotó de entendimiento para ser cegado, ni le adornó de razón para ser engañado por otro. No es una fatuidad no rendir culto al semejante, esclarecer la inteligencia y hacer uso de la razón en todas las cosas. El fatuo es el que se endiosa, el que embrutece a otros y anhela someter a sus caprichos cuanto es razonable y justo.

Séptima.- Analicen bien qué clase de religión es la que os enseñan. Vean bien si es la voluntad de Dios, o las enseñanzas de Cristo para socorrer al pobre, mitigar las penas del que sufre. Tengan en consideración lo que se os viene predicando, el objeto de sermón, lo que ocultan las misas, novenas, rosarios, escapularios, imágenes, milagros, candelas, correas, etc., etc., que diariamente y a empellones, a gritos y a brazo partido, inculcan en vuestro ánimo, oídos, ojos; indaguen su punto de partida y su paradero, y, después, contrasten esa religión con la pura de Cristo, y vean si esa mentida observancia de la ley de Cristo no guarda paridad con la pingüe vaca lechera, o tal vez con el cebado cerdo cuya crasitud estimulada no fue por amor al animal, sino por fines de lucro y exploración desaforada.

Reflexionemos, pues, y estudiemos nuestra situación y vayamos echando cuentas. Que estas destrabadas líneas puedan ayudar a vuestro buen natural, al proseguir vuestro iniciado itinerario. «Mi provecho será mayor que el trabajo invertido»; y aceptaré de buena gana el galardón de costumbre para todo aquel que osare decir la verdad a nuestro pueblo. Que el éxito corone vuestro deseo de instruiros; que en la huerta del saber no cojáis fruto acedo sino selecto, catando antes de englutirlo, porque sobre la costra de la tierra todo viene mistificado, y no pocas veces suele meter cizaña el enemigo en medio del semillero.

Todo ello es el vivo anhelo de vuestro compatricio.

José Rizal





Indice